Pangulong Rodrigo Duterte

PNP, 100% nang handa sa gaganaping SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte

National News

NAKAHANDA na ang hanay ng mga kapulisan para sa gaganaping State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte (SONA) sa Lunes.

Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na isandaang porsyento na ang level of preparation ng kanilang hanay para sa seguridad sa araw ng SONA.

Ayon kay Albayalde, simula bukas ng 6:00 ng umaga ng Sabado ay itataas na sa full alert status ang nasa 195,000 na puwersa nito.

Nasa 14, 000 pulis kasama ang force multipliers ang ide-deploy sa SONA kung saan 8,500 dito ay pupuwesto malapit sa Batasan Complex at security sites.

Magde-deploy din ng karagdagang isanlibong augmentation forces kabilang na ang tropa ng mga sundalo.

Sa ngayon, sinabi ni Albayalde na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa araw ng SONA.

Magpapakalat din ng Intelligence Monitoring Team sa rally site upang mabigyan ng proteksyon ang mga demonstrador na mapasukan ng mga infiltrators mula sa komunistang grupo.

Ipatutupad din ang pagpatay ng mga cellphone signals habang ipagbabawal ang pagpapalipad ng mga drones sa mga sibilyan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *