UNHRC

Resolusyon ng UNHRC sa war on drugs ng Pilipinas, isang uri ng bullying

National News

MAITUTURING umanong halimbawa ng bullying ang hakbang ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Pilipinas.

Ito ang paniniwala ni Presidential Human Rights Committee Undersecretary Severo Catura kaugnay sa resolusyon ng Iceland na inaprubahan ng UNHRC para imbestigahan ang anti-drug war campaign ng Administrasyong Duterte.

Sinabi ni Catura na hindi kikilalanin ng bansa ang ano mang aksyon kaugnay ng Iceland Resolution.

Naniniwala si Catura na may ibang paraan para pag-usapan ang sitwasyon ng Human Rights sa Pilipinas.

Ayon kay Catura, handa naman makipag-usap ang gobyerno sa UN para talakayin ang ibang mekanismo na maaaring gamitin bilang tugon sa pinag-uusapang isyu.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *