SONA,

Talumpati ni Pang. Duterte para sa SONA, 95% nang nakumpleto

National News

NASA 95% nang kumpleto ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang darating na State of the Nation Address (SONA).

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kay PCOO Secretary Martin Andanar, sinabi nito na magkakaroon ng presidential briefing mamayang hapon para isapinal ang talumpati ng pangulo, camera angles, blocking, at iba pang paghahanda sa SONA.

Ayon naman sa rekomendasyon ni Direktor Joyce Bernal, nagdagdag din sila ng orchestra para tumugtug sa kanta ni Freddie Aguilar na siyang paborito ng pangulo.

Base sa mga nagdaang SONA ng pangulo, aasahan umano natin na aabot sa pagitan ng 45 minuto hanggang isang oras ang talumpati ng pangulo.

Samantala, binanggit din ni Andanar ang tatlong agenda ng pangulo para sa susunod na tatlong taon na ilan sa mga magiging highlights ng SONA.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *