1,700 firefighters, nagtulong-tulong sugpuin ang wildfire sa Portugal

International.

NAGTULONG-tulong ang nasa 1,700 firefighters upang sugpuin ang matinding wildfire sa Central Portugal noong Linggo.

Nagsimula ang apoy sa magubat na bahagi ng Castelo Branco Region noong Sabado na tumindi dahil sa malakas na hangin.

Matapos maapula ang dalawang magkakasunod na apoy noong Sabado ay isang malawakang rescue effort naman ang isinagawa ng mga awtoridad upang maapula ang tatlong magkakasunod na wildfire sa munisipalidad ng Vila del Rei noong linggo.

800 firefighters, 245 sasakyan kabilang ang ilang bulldozers, at 13 eroplano at helicopters ang nagtulong-tulong upang maapula ang apoy sa naturang munisipalidad.

Ayon sa interior ministry ay nasa 20 katao ang sugatan kabilang ang walong firefighters at 12 sibilyan habang nananatili namang aktibo ang apoy.

Arestado naman ang isang 55 taong gulang na suspek na hinihinalang nagpasimula ng apoy sa Castelo Branco habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *