Acting Davao City Mayor Baste

Acting Davao City Mayor Baste, nanawagan sa magkilos-protesta sa Davao City 

National News

NANAWAGAN si Acting Davao City Mayor Baste Duterte sa mga raliyista sa lungsod na iwasang magkilos-protesta at magsagawa ng programa sa mga highway at pampublikong lugar.

Kasunod na rin ito ng inaasahang mga kaliwa’t kanang kilos-protesta ngayong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paalala ng Acting Mayor na limitado lamang ang mga ralista sa mga lugar na mayroon silang permit tulad ng freedom parks O private properties na may pahintulot ng may-ari.

Ayon kay Baste, nirerespeto nila ang karapatan ng lahat na ipahayag ang kanilang mga saloobin pero kailangan aniyang respetuhin din ng mga lalahok sa rally ang karapatan ng kanilang mga kapwa filipino na makabiyahe ng matiwasay.

kailangan aniya nilang tiyakin na makarating ng ligtas at sa tamang oras ang mga estudyante at mga manggagawa sa kani-kanilang mga destinasyon.

Dagdag pa ni Baste na inatasan na niya ang Davao City Police Office (DCPO) at Task Force Davao (TFD) na ipatupad ang maximum tolerance maliban lang kapag may krimen na naganap sa kasagsagan ng rally.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *