gutom

Bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan, tumaas

Section

KASABAY ng araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagpalabas ng panibagong survey ang Social Weather Stations (SWS) na dumami ang bilang ng mga Pilipino ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.

Batay sa June 22 to 26 SWS survey, nasa 10 % o tinatayang 2.5 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon dahil sa kawalan ng maka-kain.

Mas mataas ito sa 9.5 % o 2.3 milyong pamilya na naitala sa survey noong Marso.

Sa 10 % na naitala, 8.7 % o 2.1 milyong pamilya ang nakaranas ng moderate hunger habang 1.3 % o 320,000 pamilya ang dumanas ng matinding gutom simula Abril hanggang noong nakaraang buwan.

Pinakamarami sa mga nakaranas na walang makain sa National Capital Region (NCR) na naitala sa 15.7 %, sumunod ang iba pang bahagi ng Luzon na 9.3 %, Mindanao na 9 % at Visayas na nakapagtala ng 8.7 %.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *