State of the Nation Address (SONA)

Mahigpit na seguridad sa Batasang Pambansa Complex, ipinatutupad na

Metro Manila

MAHIGPIT na ang seguridad na ipinatutupad sa Batasang Pambansa Complex para sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatalaga na ang mga security personnel sa iba’t ibang exit at entry points sa Batasang Pambansa kabilang na ang mga lugar kung saan papasok ang mga mambabatas para sa opening ng first regular session ng 18th Congress ngayong umaga.

Naglagay din ng karagdagang x-ray scanner sa entrance ng North Wing lobby para matiyak na walang mga pinagbabawal na gamit ang makakapasok sa gusali.

Nakalatag na rin ang red carpet sa North Wing lobby para sa mga Kongresista, Senador at iba pang guest na maglalakad papasok sa Plenary Hall.

Simula alas-4 kaninang umaga, nagpatupad na ang house ng “No Car Pass, No Entry” policy.

Gagamitin ang main at South gate para sa pagpasok ng mga sasakyan ng mga House Member, Senador, Congressional Spouses at kanilang mga back-up, VIP Guests, at house at Senate Secretariat officials.

Habang magsisilbi ang North gate bilang entrance point para sa sasakyan ng mga imbitadong guest, ob vans at generator sets, emergency vehicles gaya ng mga fire truck, ambulansya at military vehicles, house shuttle buses at mga sasakyan na may “Drop-Off” passes.

Tanging ang mga may SONA 2019 ID lang din ang papayagang pumasok sa Batasang Pambansa Complex.

DZAR01026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *