Marinduque Rep. Lord Allan Velasco

Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, umaasang masusunod ang term-sharing sa Speakership

National News

UMAASA si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na masusunod ang term-sharing matapos ang leadership ni house speaker Alan Peter Cayetano sa loob ng labing limang buwan.

Tiwala si Velasco na magbibigay-daan si Cayetano at igagalang ang kanilang term-sharing agreement at papayagan siyang magsilbi para sa huling dalawampu’t isang buwan ng 18th Congress.

Tulad nang inaasahan, ininomina ni Velasco na isa sa frontrunners ng speakership race si Cayetano sa mataas na pwesto sa lower chamber. Umaasa rin ang kongresista na muling makuha ang chairmanship sa committee on energy na dati niyang pinamunuan noong 17th Congress.

Matatandaang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang speaker para sa unang 15 buwan habang si Velasco na nasa ilalim ng PDP-Laban ay magsisilbi ng 21 buwan sa 18th Congress.

Pinangalanan din ng punong ehekutibo si Leyte Rep. Martin Romualdez na isa rin house speaker aspirant bilang house majority leader.

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *