Mayorya

Mayorya ng Pilipino, naniniwala na hindi dapat hadlangan ang imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyon

National News

MAYORYA ng Pilipino ang sumasang-ayon na hindi dapat hadlangan ng pamahalaan ang imbestigasyon ng mga International Group tulad ng United Nation sa umano’y pagpatay ng pulisya sa napakaraming drug suspek na diumano ay mga nanlaban.

Sa 2nd quarter 2019 social weather survey, 60% ang sumasang-ayon dito kung saan 26% ang strongly agree at 34% ang somewhat agree.

15% naman ang nagpahayag ng kanilang hindi pagsang-ayon habang 25% ang undecided.

Dahil dito, nagbigay ito ng net agreement score na +45 na itinuturing ng SWS na very strong.

Isinagawa ang survey noong Hunyo 22 hanggang 26 sa pamamagitan ng face to face interviews sa 1,200 Filipino adults.

matatandaang mariing kinondena ng Malacañang ang planong imbestigasyon ng UN Human Rights Council (UNHRC) ukol sa umano’y patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasasawi dahil sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil pakikialam aniya ito sa soberanya ng bansa.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *