Meralco

Meralco, magpapatupad ng rotational brownout sa Metro Manila at Luzon

Metro News

MAGPAPATUPAD ng rotational brownout ang Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Luzon dahil sa mga isasagawang pagkumpuni.

Ayon sa Meralco, isasagawa ang maintenance works simula nga­yong Lunes, Hulyo 22 hanggang sa Linggo, Hulyo 28.

Kabilang sa mga apektadong lugar Las Piñas City, Makati City, Pasay City, lungsod ng Maynila, Pasig City, Quezon City, at Taguig City, sa Metro Manila.

Sakop din ng rotational brownout ang ilang bayan sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Quezon at Rizal.

Ayon sa Meralco, kabilang sa kanilang mga isasagawa ay reconductoring works ng kanilang mga linya, pagpapalit ng mga bulok at lumang poste, relokasyon ng mga pasilidad na apektado ng LRT-2 Line Extension Project, reconductoring ng mga pangunahing linya, reconstruction at instalasyon ng kanilang mga pasilidad.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *