Mga bago at Re-elected Senators, nanumpa sa pagbubukas ng 18th Congress

National News

SA pagsisimula naman ng sesyon ng senado ay nanumpa ang mga bagong senador at mga re-elected senator na nanalo noong May 13 elections.

Idineklara ni Senate President Tito Sotto ang Quorum na may 22 na present na senator kung saan wala sina Senador Manny Pacquaio na nasa abroad pa matapos ang laban sa American boxer Keith Thurman habang nakakulong naman si Senador Leila De Lima.

Dumalo rin sa unang sesyon ng senado sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Sec. Delfin Lorenzana at Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

Maging sina Finance Secretary Carlos Dominguez at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Interim Chief Al Hadj Murad.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *