militanteng grupo

Mga lider ng militanteng grupo, walang balak manggulo sa SONA ni Pang. Duterte

National News

GAYA ng mga nagdaang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, muling tiniyak ng mga lider ng militanteng grupo na hindi sila manggugulo sa ulat sa bayan ng Pangulo.

Nanindigan ang mga lider ng militanteng grupo na wala silang balak manggulo sa State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Sa isang panayam, sinabi ni bayan muna Secretary-General Renato Reyes ang pagtitiyak na wala sa interest nila ang paghahasik ng kaguluhan kasabay ng kanilang demonstrasyon.

Giit ni Reyes, walang may gusto ng gulo at ayaw din nila na may masaktan sa kanilang hanay.

Aniya, bago pa man ang rally, nakipag-coordinate na sila sa PNP, MMDA, at LGUs nang sa gayon ay masiguro rin ang sarili nilang kaligtasan.

Sa huli, sinabi ni Renato na hindi na ‘sing repressive’ ang mga nagdaang SONA sa ilalim ng administrasyong Duterte sa kanilang mga militante.

Maaalalang 2016 nang sa kauna-unahang pagkakataon ay pinapasok ang mga nagra-rally sa batasan.

Paliwanag ni Reyes, maayos at walang problema ang mga nagdaang rally at sa katunayan, sila na mismo ang nagboboluntaryong hindi na lumapit sa lugar na pinagdarausan ng SONA.

Samantala, tiniyak sa mga oras na ito na walang natatanggap na banta sa seguridad ang mga kapulisan ilang oras bago ang umpisa ng SONA ni Pangulong Duterte ito ang tiniyak ni NCRPO Regional Director Major General Giillerno Eleazar sa kaniyang panayam ngayong umaga siniguro rin ng opisyal na hindi magkukumpiyansa ang mga tauhan nito habang papalapit ang sona ng pangulo.

Samantala, buo na ang koordinasyon sa mga magsasagawa ng demonstrasyon ngayong araw kung saan makakatuwang nito ang nasa anim na libong kapulisan na magtitiyak ng kaayusan at katahimikan sa buong araw na aktibidad.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *