Chief Justice Bersamin

Paglilinis sa hudikatura, itutuloy ni Chief Justice Bersamin

National News

TINIYAK ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin  na patuloy ang kanilang paglilinis sa hudikatura.

Ibinasura na rin ni Bersamin ang mga kaso laban sa mga huwes at abogado na walang mga basehan.

Sinabi ni Bersamin na hindi na sila kailangan pang paalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte  sa paglilinis ng hudikatura dahil tuluy-tuloy  naman ito.

Ayon kay Bersamin dadalo siya kasama ang iba pang mahistrado sa SONA ni Pangulong Duterte para pakinggan ang ulat sa bayan ng punong ehekutibo.

Umaasa si Bersamin na mas tatalakayin sa SONA ng Pangulo ang tunay na pangangailangan ng  bawat Pilipino.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *