pulisya

Pamunuan ng pulisya, tiniyak pa rin ang suporta ni Pangulong Duterte sa kanilang hanay

National News

MALIBAN sa inaasahang pagtalakay sa mga usaping panlipunan saikaapat na SONA ni Pangulong Duterte ngayong hapon, umaasa ang pamunuan ng pambansang pulisya na makukuha pa rin nito ang suporta at tiwala ng Pangulo.

Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa kaniyang personal na pag iikot sa Commonwealth Avenue kung saan idaraos ang ibat ibang demonstrasyon ng mga militanteng grupo.

Matatandaang taong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay napabalita ang patuloy na usapin ng distabilisasyon laban sa pamahalaang Duterte.

Minsa na rin nasa gitna ng kontrobersiya ang pambansang kapulisan dahil sa isyu ng extrajudicial killings sa ilalim ng anti-drug war campaign ng Duterte administration.

Naniniwala si albayalde na tuloy pa rin ang suporta ng pangulo sa kanila.

Nito lamang nagdaang taon ay halos sabay -sabay na iniangat ang sahod ng mga kapulisan sa bansa kasama na ang. mga benepisyo nito.

Kapalit nito ang maayos na pagtupad ng hanay ng PNP sa kagustuhan ni Pangulong Duterte sa pagpapaigting ng seguridad at kaayusan sa buong bansa.

Katuwang ang mga kaibigang bansa ay tuloy tuloy din ang paglalaan ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan sa kanilang serbisyo publiko at sa mga komunidad sa bansa samantala, biglang bumuhos ang malakas na ulan dito sa Commonwealth.

Ayon sa panayam kay bayan muna Sec. General tuloy pa rin ang akbitidad ng pinagsamang mga grupo ng mga militante sa kanilang malakihang pagtitipon sa lugar.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *