Pastor Apollo C. Quiboloy, dumalo sa Ika-Apat na SONA ni Pang. Duterte

Kingdom News

DUMALO rin sa Ika-Apat na Sona ni Pangulong Duterte ang matalik nitong kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy kaugnay nito, umaasa ang butihing Pastor na matutupad ang mga pangako ng Pangulo bago matapos ang termino  nito.

Inihayag naman ni Pastor Apollo ang kanyang opinyon na ang pinaka-magandang nagawa ng Administrasyon Duterte ay ang pakikipag-laban nito giyera kontra droga.

Natuwa naman si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa naging pahayag ng Pangulo kamakailan na mas nais nitong mag-painterview sa programa nitong Give Us This Day sa SMNI.

Samantala, hiling din ni Pastor Apollo ang magandang resulta para sa pamamahala ng bagong-elected na House Speaker na si Cong. Allan Peter Cayetano.

Nanawagan naman si Pastor Apollo sa lahat na manalangin at magkaisa para sa nalalabing Taon ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa ikakabuti ng Bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *