petrolyo

Presyo ng mga produktong Petrolyo, may kurampot na bawas-presyo simula bukas

National News

MAGPAPATUPAD ng kakarampot na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas, Hulyo a-23.

Sa anunsyo ng Sea Oil, Petro Gazz, at Shell, matatapyasan ng dalawampu’t limang sentimos ang kada litro ang kanilang gasoline.

Dalawampung sentimos naman ang bawas-presyo ng diesel habang apatnapung sentimos naman sa kada litro ng kerosene.

Ang naturang bawas-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Magugunita naman na noong nakaraang linggo nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

DZAR01026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *