Senador Vicente Tito Sotto III

Senador Vicente Tito Sotto III nanatiling Senate President ng 18th Congress

National News

NAPANATILI ni Senador Vicente Tito Sotto III ang kanyang pwesto bilang Senate President ng 18th Congress.

Ito ang naging resulta sa botohan na ginanap sa unang araw ng session sa Senado kung saan 21 sa mga Senador ay bumoto pabor sa kanya.

Ang hindi bumoto ay kay Sotto ay si Senator Risa Hontiveros na nag abstain, habang absent naman sa unang araw ng session sina Senador Manny Paquiao na hindi pa nakabalik sa bansa matapos ang kanyang laban kahapon sa Las Vegas, at Senador Leila De Lima na nakakulong sa Camp Crame dahil sa kaso kaugnay sa droga.

Una nang inaasahan ang pagkakapili kay Sotto sa pwesto dahil sa lawak ng kanyang experience sa Senado, kung saan bukod sa mayorya ay naging bahagi na rin sya ng minorya sa kanyang mga nagdaang termino.

Sinabi ni Senator Juan Miguel Zubiri, ang nag nominate kay Sotto,  na si Sotto ang pinakamagaling para sa nasabing posissyon.

Liban kay sotto ay na re-elect din si Senador Ralph Recto bilang Senate President Pro-Tempore.

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *