Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, opisyal nang uupo bilang House speaker ng 18th Congress

National News

PORMAL na ngang uupo bilang duly constituted House speaker ng 18th Congress si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, ang endorsed speaker ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos ngang mag-convene para sa first regular session ng 18th Congress,

nakakuha si Cayetano ng 266 yes votes kontra sa anim na botong nakuha ni Manila 6th District Rep. Benny Abante na nakakakuha lamang ng anim na boto.

Pormal na nanumpa si Cayetano kanina kay Cong. Braeden John Biron ng Iloilo bilang pinakabatang kongresista ng 18th Congress.

Tatlong malalaking pangalan ang nag-nominate kay Cayetano kabilang na sina Presidential Son at Davao City Rep. Paulo Duterte, Leyte Rep. Martin Romualdez, at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Dalawa naman ang nag-abstain sa botohan na kinabibilangan nina Magdalo Rep. Manuel Cabochan at Buhay Rep. Lito Atienza.

Medyo binitin naman ni congressman pulong ang kaniyang nomination sabay kindat kay Congressman Cayetano bilang speaker.

Medyo may patama si Congressman Pulong sa kaniyang nomination at iginiit na kontra ito sa term- sharing sa speakership post pero ninomina pa rin si Cayetano bilang speaker.

Bago nag-convene ang mga kongresista, nagkaroon muna ng breakfast gathering dito sa Batasan kung saan namataan nga sina Cayetano, Velasco, Romualdez at Pulong na magkasama.

Isusumite naman ni Cayetano ang 2020 National Expenditure Program sa susunod na dalawang linggo para mapabilis ang budget process.

Kabilang din aniya sa tututukan ni Cayetano ay ang pagpasa sa 2nd Tranch ng TRAIN Law, at ang Dept. of OFW Bill sa loob ng kaniyang 15 buwan na pag-upo bilang House speaker.

Nahirang na rin ang mga Deputy speakers sina Rep. Duterte, Ferdinand Hernandez, Evelina Escudero, Loren Legarda, Conrad Estrella III, Prospero Pichay Jr., Roberto Puno, Eduardo Villanueva, Aurelio Gonzales Jr., Johnny Pimentel at LRay Villafuerte.

Pormal na ring naupo bilang majority leader si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Si Davao City Rep. Isidro Ungab ang chairman ng House Appropriations Committee, Accounts Committee kay Cavite Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino at si Cavite 3rd District Rep. Boying Remulla ay uupong Deputy Majority Leader.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *