labor sec. bello

DOLE, suportado ang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers

National News

SUPORTADO ng labor department ang panukalang magtatag ng hiwalay na departamento na tututuk sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kay labor secretary Silvestre Bello, sinabi nito na handa siyang sumunod sa gusto ng pangulo na mabigyan ng proteksyon ang mga OFWs mula sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.

Ani Bello, layon din ng panukalang ito na matigil ang illegal recruitment sa pamamagitan ng government to government transaction.

Kaugnay nito, nilinaw ni Bello na walang dapat ipag-alala ang mga private recruitment kung legal sila at walang kaso ng pang-aabuso.

Dagdag pa ni Bello, umaabot sa 8 milyon ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat at 4 na milyon rito ay mga OFWs, hindi pa kasali ang mga undocumented.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *