tent

Emergency Medical Units ng Philippine Red Cross sa Iloilo City, handa ng tumanggap ng dengue patient

Regional

NAKAHANDA ng tumanggap ang Emergency Medical Units ng Red Cross sa mga pasyente sa kaso ng dengue sa Iloilo City.

Ito ay matapos na maitayo ng Red Cross ang ilang medical tents sa District Hospital sa lungsod.

Magugunitang nagpadala ng Medical Tents PRC bilang tugon sa panawagan ng Department of Health sa pagsugpo sa naturang sakit.

Batay sa datos ng lungsod, umabot na sa 236 dengue patients ang kanilang naitala kaso.

Maliban sa District Hospital naglagay rin ng dalawang tents sa Jesus M. Colmenares Memorial Hospital sa balasan kung saan aircondition ang mga ito para maging kumportable ang mga pasyente.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *