Ilang ruta ng jeep sa Maynila, nanginganib na suspendehin

Metro Manila

NANGANGANIB na maputol ang biyahe ng mga pampasahero ng dyip sa Maynila.

Sa isang pulong balitaan ni Manila City Mayor Isko Moreno kasama sina LTFRB Chairman Martin Delgra, hiniling aniya ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa LTFRB na suspindehin ang biyaheng Baclaran-Divisoria.

Bunsod aniya ito ng mga reklamong natatanggap ng pamahalaan sa pagka-cutting trip ng ilang dyip.

Maliban sa naturang ruta, pinag-iisipan rin nito na suspendihin ang biyaheng Mcu-Blumentritt, Cubao-Divisoria, at mga bumabiyahe sa Padre Faura, Pedro Gil, at Paco.

Magugunita naman na una ng nagbabala ang bagong upong alkalde ng lungsod na mahigpit nilang ipagbabawal ang pagka-cutting trip dahil sa pahirap ito sa mga mananayak lalong lalo na sa mga senior citizen.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *