Justice system sa bansa, hindi pa handa para sa muling pagsasabatas ng death penalty ayon sa CHR

National News

HINDI handa ang justice system sa bansa para sa muling pagsasabatas ng death penalty ayon sa Commission on Human Rights (CHR).

Ito ang naging pahayag ni Commission on Human Rights Spokesperson, Jacqueline De Guia sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kasunod ng pag-apila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA kaugnay ng muling pagsasabatas ng death penalty para sa mga krimen na may kinalaman sa droga at korapsyon.

Iginiit din niya na hindi na dapat pang muling ipatupad ang pagpataw ng kamatayan bilang solusyon sa mga karumaldumal na krimen sa bansa.

Aniya, dapat lang na maparusahan ang mga lumalabag sa batas ngunit hindi na ito dapat pang mauwi sa bayolenteng pamamaraan dahil tapos na tayo sa panahon ng classical punishment.

Dagdag pa ni De Guia, sapat ng parusa ang pagkakabilanggo sa mga nagkakasala sa pagkat matatanggalan na rin ang mga ito ng liberty rights.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *