TRAPIKO EDSA

MMDA at DILG magsasanib-pwersa upang tungunan ang utos ni Pangulong Duterte na mapaluwag ang daloy ng trapiko

Metro Manila

MAGSASANIB pwersa ang hanay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang tugunan ang utos ni Pangulong Duterte na lutasan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Nebrija, sinabi nitong nakatakdang magkaroon ng kauna-unahang Metro Manila Council (MMC) ang mmda kasama ang mga new sets of mayors sa huwebes upang pag-usapan ang mga isasagawang clearing operations sa mga pampublikong kalsada.

Inimbitahan din aniya sa naturang pulong ang dilg upang maiparating ang plano ng mmda kaugnay ng pagtugon sa isyu.

Tinyak ni Nebrija na maasahan ang tulungan ng dilg at mmda sa paglutas sa lumalaking problema sa matinding trapik.

Sa ika-apat na SONA ng pangulo kahapon, inatasan nito ang MMDA at iba pang concerned agencies na tutukan ang isyu ng trapik sa Metro Manila.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *