National Water Resources Board

National Water Resources Board, suportado ang planong pagbuo ng Department of Water

Metro News

WELCOME Development para sa National Water Resources Board (NWRB) ang nais isulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng Department of Water na kanyang nabanggit sa kanyang ika-apat na SONA kahapon.

Ayon kay NWRB Executive Director David Sevillo na mas mabibigyang pansin ng pamahalaan ang kakulangan ng tubig ang ating bansa.

Nakakatulong din aniya na ang pagkakaroon ng departamento upang makapagpatayo ng imprastraktura na maaaring makapag-ipon ng tubig sa panahon ng tag-ulan na magagamit naman sa panahon ng tag-init o tagtuyot.

Dagdag pa ni Sevillo, mas mapapalawak pa ng pamahalaan ang pangangasiwa sa tubig sa buong bansa dahil hindi lamang sa Metro Manila ang nangangailangan ng tubig kundi pati narin ang ibang bayan at lungsod sa boung bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *