drug free

Paglalagay ng drug free barangay, nais alisin ng DILG kaunod ng war on drugs ng administrasyon

Metro News

MULING ipinagmalaki ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ang pagkakaroon ng Barangay Anti-drug Abuse Council (BADAC).

Ito ay bilang kanilang kampanya laban sa iligal na droga na kabilang sa binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address kahapon.

Ayon kay Diño sa panayam ng Smni News at Dzar Sonshine Radio, ngayon lang naging aktibo ang barangay laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng BADAC.

Nagpahayag din ito na nais niyang alisin ang drug free barangay.

Iginiit ni Diño na dapat gumagana ang BADAC ng mga barangay araw-araw.

Nanawagawan din ang DILG Undersecretary sa publiko na ireport sa kanila ang mga barangay na talamak pa rin ang mga adik at pusher upang makastigo ang mga kapitan nito.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *