PNP, suportado ang pagbuhay ng Mandatory ROTC sa mga paaralan

National News

SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang pagbuhay ng Mandatory ROTC sa mga paaralan.

Ito ang naging sagot ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde kasunod na rin ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipasa ang Mandatory ROTC Bill.

Ayon kay Albayalde sa press briefing, malaking tulong ang Mandatory ROTC para mahubog ang pagiging makabayan ng mga Pinoy.

Matutulong din aniya ito laban sa mga banta sakaling kailangan ng reserved force o dagdag na pwersa ng bansa.

Matatandaang tinutulan ng ilang grupo kabilang ng kabataan Partylist ang pagbabalik ng Mandatory ROTC dahil posible aniyang magamit lang ito sa korupsyon at pang-aabuso.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *