Negros Oriental

Suspek sa pananambang sa mga pulis sa Negros Oriental, tukoy na ng otoridad

Regional

TUKOY na ng pulisya ang nasa labing isang suspek sa brutal na pagpatay sa police intelligence officers sa Ayungon, Negros Oriental.

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na batay ito report ng kanilang regional director.

Ayon kay Albayalde, kanilang sasampahan ang mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kahapon matapos ang State of Nation Address (SONA), nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P1.3 million reward sa sinumang makapagbibigay ng anumang impormasyon para sa ikahuhuli ng mga suspek.

Sinabi ng PNP chief na makatutulong ang pabuya upang mahimok ang mga residente na ireport ang totoong naganap.

Pero, tiniyak ni Albayalde na mayroon man o walang pabuya ay kanilang hahabulin at pananagutin ang mga suspek.

Noong nakaraang Linggo nang tambangan ng mga hinihinalang npa ang apat na pulis na sina Police Corporal Relebert Beronio, Patrolman Raffy Callao, Patrolman Ruel Cabellon, at Patrolman Marquino de Leon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *