negros ocs.

11 NPA na pumatay sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental, kinasuhan na

Regional

KINASUHAN na ng 4 counts ng murder at theft ang labing isang rebeldeng New People’s Army (NPA) na pumatay sa apat na pulis sa Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental.

Kinumpirma ni Negros Oriental Provincial Police Office Director Police Col. Raul Tacaca ang pagsasampa ng kaso sa nahuling suspek na si Victoriano Bangala Anadon Jr., habang tinutugis pa ang ibang suspek na sina Rengie Anadon Baluhabo, Gelie Anadon Ebedo, Joseph Torres Ogates, Jelly Anadon Ebedo at anim na iba pa.

Matatandaan na nitong Hulyo 18 ay dinukot at pinatay sa harap ng mga tao pamamagitan ng summary execution ang mga biktima na sina Police Corporal Relebert Beronio, Patrolman Raffy Callao, Patrolman Roel Cabellon at Patrolman Marquino De Leon.

Kinumpirma din ni Tacaca na nag-suicide sa pamamagitan ng pag-inom ng peticide ang Brgy. Chairman ng mabato na si Sunny Caldera, na iniimbestiga­han ng ayungon police kaugnay ng posibleng pa­ki­kipagsabwatan nito sa krimen.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *