Cirilito Sobejana

7 Foreign Terrorists, sumapi na sa Abu Sayyaf Group

Regional

SUMAPI na umano ang 7 dayuhang terorista sa mga rebeldeng Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah (DI) terrorists.

Ito ang kinumpirma ni AFP-Wes­tern Mindanao Command (Westmincom) Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

Sinabi ni Sobejana na tinuturuan ng pitong dayuhang terorista kung paano maging bomber ang mga miyem­bro ng naturang Local Terrorist Groups Western Mindanao at Maguindanao.

Ayon kay Sobejana, mga miyembro ng isis ang mga dayuhan at eksperto sa paggawa ng bomba.

Tumanggi naman ang opisyal na tukuyin ang nationality ng mga ito.

Samantala, 42 pang mga foreign terrorists na posibleng may kaugnayan sa ISIS, ang patuloy na minomonitor ngayon ng militar.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *