'Call for Unity'

‘Call for Unity’, isinasagawa ngayong sa Malakanyang bilang bahagi ng paghahanda sa 30th Southeast Asian Games

National News

ISINASAGAWA ngayong araw ang ‘call for unity’ event sa Malacañang para 30th Southeast Asian Games.

Kabilang sa mga nangunguna sa programa sina Executive Sec. Salvador Medialdea, Philippine Sports Commission Chair William Ramirez, Sen. Bong Go at House Speaker Alan Peter Cayetano.

Dumalo din dito ang mga sports official at ilang mga atletang Pinoy.

Sinabi ni Medialdea na isandaang porsyentong sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghost ng bansa sa Sea games.

Nanawagan din si Ramirez na isantabi ang pagkakaiba-iba at magkaisa para sa bansa at para sa mga atleta sa darating na Sea games.

Naniniwala naman si Go na makatutulong ang paghost ng bansa sa sea games para tumaas ang profile ng pilipinas sa international arena, tumaas ang turismo at gumawa ng maraming trabaho.

Maipapakita rin aniya sa buong mundo kung gaano na kalayo ang narating ng bansa sa kasagsagan ng administrasyon ni Pang. Duterte.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *