Isko Moreno

DILG, tutularan ang pamamahala ni Mayor Isko Moreno

Metro Manila

ISANG ehimplo para sa Department of Interior and Local Government unit ang pamamahala ni Mayor Isko Moreno lalo na sa paglilinis at pagsasaayos ng mga importanteng daanan ng Maynila na ginamit ng mga illegal vendors.

Matatandaang binanggit ni Pangulong Duterte noong Lunes sa kanyang State of the Nation Address ang pagsasa-ayos ng mga importanteng kalsada sa bansa.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, magsasagawa ng inventory ang kanilang ahensya sa mga daanan na ginawang tiange o di kaya ay paradahan ng mga sasakyan katulad ng nangyari sa Divisoria.

Dagdag pa ni Año, isa sa mga tinitingnan niya ay ang pagbubukas ng mga daan na nakalaan sa mga pampribadong subdivision tuwing rush hour.

Gagawin umano nilang prioridad ang usapin ng clearing operations sa mga daanan kasama Metro Manila commission, mga alkalde at city administrator sa Hulyo 25.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *