ROTC Act

Panukalang pagbuhay muli sa mandatory ROTC, hinarang ng CHR

National News

KINONTRA ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mandatory ROTC para sa mga mag-aaral sa high school.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, may posibilidad na maulit ang mga dating kaso ng karahasan at pagpatay sa ilang kadete sakaling ipatupad muli ang mandatory ROTC.

Sinabi ni De Guia na mahalagang pag-aralan muna ang lahat ng aspeto sa isinusulong na pagbabalik sa programa lalo na’t mga kabataan ang kasali rito.

Ito ang tugon ng CHR sa apela ni Pangulong Duterte sa kongreso na ipasa sa 18th congress ang mandatory ROTC program.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *