3A1

Segment 3A1 ng C-5 South Link Expressway, bukas na sa mga motorista

Metro News

BINUKSAN na sa mga motorista ang bahagi ng C-5 South Link Expressway na patungong Taguig City.

Inaasahang makakatulong sa higit limang libong motorista kada araw ang pagbubukas ng naturang link na pinangunahan ng mga opisyal ng DOTr, DPWH at Metro Pacific Tollway.

ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, mula sa isa’t kalahating oras na biyahe mula Pasay hanggang Taguig City ay magiging 45 minutes na lamang ito sa pamamagitan ng naturang expressway.

Pinasamalatan naman ni Department of Transportation Secretary Art Tugade ang mga private sectors katulad ng Metro Pacific Tollways na naging katuwang ng gobyerno sa mga proyekto.

Ito ang pangalawang public-private partnership ng Metro Pacific Tollways Corporation sa taon na ito matapos buksan ang NLEX Harbor Link Segment 10 noong nakaraang Pebrero nitong taon.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *