Metro Manila mayors

Metro Manila mayors, tatalima sa ultimatum ng DILG para sa clearing operations

Section

HANDANG tumalima ang Metro Manila mayors sa pinaikling 45-days mula sa 60-days ultimatum ng DILG para tanggalin ang mga illegal vendors at illegal parking sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ay bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang lumalalang traffic sa Kamaynilaan.

Sa isinagawang Metro Manila Council meeting kahapon sa MMDA na dinaluhan ng mga Metro Manila mayors, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na bagama’t ito ang kanilang ginagawa sa Maynila, ay mas paiigtingin pa nila ang clearing operations sa lungsod dahil sa kautusan ng DILG.

Ganito din ang mensahe ni Pasig City Mayor Vico Sotto at nangakong tututukan ang mandatong ito ng pangulo.

Ipagpapatuloy naman ni Pasay City Emi-Calixto Rubiano ang kanilang clearing operations partikular na sa bahagi ng Baclaran kung saan kalahati nito ay sakop ng syudad.

Si San Juan City Mayor Francis Zamora, nagsimula nang magpatupad ng clearing operations partikular na sa bahagi ng Greenhills kung saan talamak ang illegal parking.

Matatandaan na binanggit ni Pangulong Duterte sa kaniyang 2019 SONA ang direktiba nito na malinis sa lalong madaling panahon ang lahat ng kalsada sa buong bansa laban sa mga illegal vendors at parking.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *