Palasyo

Palasyo, kumambyo sa pag-veto di’ umano ni Pangulong Duterte sa Security of Tenure Bill

National News

KUMAMBYO si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa na unang pahayag ng Palasyo na nai-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill.

Ayon kay Panelo, hindi vineto ng pangulo ang naturang panukala sa halip ay masugid na pinag-aaralan ng punong ehekutibo ang mga nilalaman ng panukalang batas.

Ngayon Sabado, inaasahang magiging ganap na batas ang Security of Tenure Bill kapag hindi napirmahan ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nais ng pangulo na protektahan ang mga manggagawa sa lahat ng mga abusadong employer na isa sa kanyang pangako noon sa 2016 election campaign ay tapusin ang labor contracting.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *