5th Metro Manila Shake Drill

Publiko, hinikayat na makiisa sa gagawing 5th Metro Manila Shake Drill

Section

HINIHINGI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kooperasyon ng publiko sa gaganaping 5th Metro Manila Shake Drill bukas, araw ng Sabado, Hulyo 27.

Magsisimula ang drill 4:00 ng madaling araw kung saan magiging hudyat ang tunog ng mga serena at alarm.

Paghihikayat ng MMDA sa lahat na sabay-sabay na mag “drop, cover and hold” nasaan man sila upang masanay kung sakaling magkaroon ng lindol.

Una nang sinabi ng MMDA na layon nito na maging mulat at handa ang taumbayan lalo na kung tumama ang lindol sa alanganing oras.

Nakatakda naman magpadala ng text message ang National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng cellphone users limang minuto bago ang shake drill.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *