208 aftershocks, naitala sa Itbayat, Batanes

Regional

PATULOY na nakararanas ng mga aftershocks ang lalawigan ng Batanes matapos ang magnitude 5.4 na lindol na yumanig sa Itbayat, Batanes nitong Sabado.

Sa report ng PHILVOLCS Seismology Division, umaabot na sa 208 aftershocks ang naitala sa bayan ng Itbayat.

Ayon sa PHIVOLCS, mula sa mga naitalang aftershocks, 26 ang dotted at 11 ang naramdaman sa naturang lugar.

Sa tala ng PHIVOLCS, nasa magnitude 2.2 hanggang 5.9 ang mga naramdamang aftershocks.

Nilinaw ng PHIVOLCS na ang naganap na lindol ay hindi konektado sa anumang fault na mayroon ang Pilipinas.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *