Batanes-lindol-operations

Bilang ng nasawi sa magkasunod na lindol sa Batanes, umakyat na sa 9

Regional

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 5.4 at 5.9 na lindol na tumama sa Batanes nito lamang Sabado.

Ayon kay Itbayat Town Mayor Raul De Sagon, 9 na ang nasawi sa magkasunod na lindol habang 1 ang nawawala at 63 ang nasugatan.

Mula naman aniya sa search and rescue ay inilipat na sa search and retrieval ang operasyon para sa nawawalang si Edwin Ponse na na-trap sa loob ng isang kuweba sa isang quarry site.

Sinabi ni De Sagon na sa ngayon ay hindi pa rin binibigyan ng go signal ang mga residente sa Itbayat na bumalik sa kani-kanilang tahanan dahil sa patuloy na assessment ng DPWH at mga barangay sa mga gusali at bahay.

Patuloy rin aniyang nararamdaman ang mga aftershocks sa lugar kung saan sa huling tala ng PHIVOLCS ay umabot na sa 208 ang aftershocks.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *