doh

DOH, nakahandang magbigay ng burial assistance at medical

Regional

ASSISTANCE sa mga biktima ng lindol sa Batanes nakahandang magbigay ng burial assistance, transportasyon at medical assistance ang Department of Health sa mga biktima ng magkakasunod na lindol sa Batanes.

Ayon kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD-Region 2, magbibigay ng burial assistance ang DOH para sa mga namatayan sa kasagsagan ng lindol.

Magpapadala rin ang DSWD ng 6 na social welfares para magbigay ng psycho social intervention sa mga naapektuhang pamilya.

Nagsasagawa na rin ng assessment ang DSWD para sa ibibigay na emergency shelter fund sa mga pamilya na naapektuhan ng lindol.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *