Huling araw ng pamamahagi ng Pantawid Pasada Fuel Card sa Hulyo 31 muli ipinaalala ng LTFRB

National News

MULING nagpaalala ang Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper at operator ng pampublikong jeep na hindi pa nakakapag-claim ng kanilang Pantawid Pasada Program (PPP) fuel cards.

Paalala ng LTFRB, mayroon na lamang silang hanggang sa katapusan ng buwan, Hulyo 31 para i-claim ang kanilang fuel cards.

Ito ay upang mapabilang sa mga benipisyaryo ng Pantawid Pasada Program ng gobyerno na nagbibigay ng P20, 514 fuel subsidy para ngayong 2019.

Tanging mga operators at drivers na mayroong rehistradong prangkisa ang maaring makapag-claim ng fuel cards.

Sakali namang hindi kayang personal na makuha ng tsuper o operator ang kaniyang card ay maaari itong magpadala ng kinatawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng notarized spa at iba pang requirements.

Abiso ng ahensya, tumawag sa pinakamalapit na LTFRB regional office para sa schedule at iba pang impormasyon kaugnay ng pamamahagi ng fuel cards.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *