Karagdagang 5,000 TNVS slots para sa mga ride-hailing applicants, bubuksan ngayong araw ayon sa LTFRB

Metro News

MAGBUBUKAS ng karagdagang 5,000 Transport Network Vehicle (TNVS) slots ang Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula ngayong araw, Hulyo 1-29.

Simula ngayong araw ng Lunes, maaari nang mag-register online ang hanggang sa 5,000 na aplikante bilang TNVS driver.

Batay sa LTFRB advisory, kinakailangan lamang magtungo sa ltfrb dot net dot ph backslash tnvs (ltfrb.ph.net/tnvs) upang makapag-apply ng Provisional Authority (PA) at sunding ang mga instructions naibibigay sa nasabing link.

Noong Hulyo a-24 nang ikasa ng LTFRB ang online transaction ng TNVS application upang maibsan ang mahabang pila sa LTFRB office sa Quezon City.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *