LPA sa Dagupan, patuloy na binabantayan ng PAGASA

National News

PATULOY pa ring binabantayan ng pagasa ang isang Low Pressure Area (LPA) sa Dagupan City.

Ayon sa Weather Bureau, huling namataan ang LPA sa layong 380 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan kaninang 6:00ng madaling araw.

Palalakasin ng sama ng panahon ang soutwest monsoon o Habagat na magdadala ng monsoon rains sa MIMAROPA, Cavite, Batangas, Bataan at Zambales.

Samantala, inaasahan na dalawa hanggang apat na bagyo ang maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at makakaapekto sa bansa sa Agosto.

Base sa past data para sa buwan ng Agosto, maaring tumama ang weather disturbances sa northern part ng bansa.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *