Tagong tribo sa Brazil, tinangkang sakupin ng mga minero; lider ng tribo, patay sa pananakop

International News

ISANG grupo ng mga minero sa Amazon ang sumalakay sa Waiapi, indigenous reserve sa Brazil na ikinasawi ng lider ng naturang tribo matapos itong pagsasaksakin.

Agad namang nagsilikas ang mga residente dala ng matinding takot, habang iniimbestigahan naman ng otoridad ang pagsalakay.

Ayon sa ulat, nasa 50 minero ang umatake sa tribo na naninirahan sa tinatayang nasa 600,000 ektaryang lupain sa mariri village.

Lumikas ang mga residente sa lugar ng aramira, mas malaking komunidad, kung saan sinundan naman ang mga ito ng paputok at bala.

Agad namang nanawagan ang lokal na gobyerno at indigenous leaders sa mga otoridad kasunod ng naturang pag-atake.

Sinisisi naman ni Amapa State Senator Randolfe Rodrigues si Brazilian President Jair Bolsonaro sa nangyayaring sigalot sa pagitan ng mga minero at tribo.

Ayon sa kanya, ang kasalukuyang gobyerno ang nag-eengganyo sa mga mananakop na kamkamin ang kalupaan ng tribo para sa pang-sariling interes.

Nasa 1970’s naman ng huling maitala ng pananakop sa lupain ng mga Wajapi tribe.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *