Afghanistan Candidate

20 Katao patay, 50 sugatan sa pag-atake sa Afghanistan Vice Presidential Candidate

International News

HINDI bababa sa dalawampung katao ang nasawi at nasa 50 iba pa ang sugatan sa pag-atake sa tanggapan ni Afghan Vice Presidential Candidate and Former Intelligence Chief Amrullah Saleh sa Kabul.

Ayon sa Interior Ministry Spokesman na si Nasrat Rahimi, tumagal ang palitan ng putok sa pagitan ng security forces ng mga attackers ng halos isang oras.

Sa ngayon, wala pa aniyang umaako sa naturang pag-atake.

Gayunman, posibleng ang taliban o ang islamic state group ang posibleng nasa likod ng pamamaril dahil sa parehong aktibo ang dalawang terror group sa naturang lugar.

Samantala, patay naman ang dalawang us military personnel sa Afghanistan ilang oras matapos ianunsyo ni US President Donald Trump ang plano nitong pagbabawas ng us solidier sa naturang bansa sa susunod na taon.

Ito ang kinumpirma ng Kandahar police sa isang panayam.

Wala pa namang ibang detalye na inilalabas ang US Military hinggil sa pagkasawi ng dalawang sundalo matapos mapasabak sa isang engkwentro.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *