quezon city

Mahigit isang milyong halaga ng marijuana, nasamsam sa Quezon City

Metro News

MAHIGIT isang milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa E. Rodriguez, Quezon City.

Sa ikinasang follow-up operations sa PDEA – Cordillera Administrative Region nasabat ang nasa 8 hanggang 10 kilo ng marijuana sa isang garahe ng pampasaherong bus.

Ayon sa PDEA-CAR, mismong ang bus company ang tumawag sa kanila upang ipaalam ang nakita sa bag na nakatakdang ipadala sa Ifugao.

Hinala ng PDEA, may kaugnayan ang nakumpiskang bag sa 6 na bag na nasabat sa 7 kabataan noong July 21 sa Ifugao.

Kasunod nito ay nanawagan ang PDEA sa mga establishimento na paigtingin ang pakiki-pagugnayan sa mga otoridad dahil malaki hakbang ito upang sugpo ang kriminalidad.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *