Malaking bahagi ng Luzon at Metro Manila, patuloy na makararanas ng pag-ulan ngayong araw

National News

PATULOY na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon ngayong araw.

Batay sa monitoring ng PAGASA, apektado ng monsoon rains ang Pangasinan, Bataan at Zambales na dala ng hanging Habagat.

Habang maulap na papawirin na may kasamang panaka-nakang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Mimaropa, La Union, Benguet, Cavite, Batangas at natitirang bahagi ng Central Luzon.

Makararanas naman ng bahagyang maulap na papawirin at isolated rain showers ang natitirang bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms

Kaugnay nito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga nakatira sa mga nabanggit na lugar sa posibleng flash floods o landslides dahil sa pag-ulan.

Una namang nagdeklara ng suspensyon ng pasok ngayong araw ang ilang bayan sa Zambales, Pampanga at Quezon dahil sa masamang panahon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *