poste

Pagtumba ng isang poste sa bahagi ng Edsa-Bonny Serrano Avenue sa Quezon City, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko

Metro News

NAGDULOT ng matinding trapiko sa bahagi ng Edsa-Northbound ang pagtumba ng isang poste sa bahagi ng Edsa-Bonny Serrano Avenue sa Quezon City.

Ayon sa inisyal na ulat, nahagip ng isang trak ang naturang poste kaya ito tumumba.

Batay sa monitoring ng MMDA, umabot ang tukod ng trapiko sa bahagi ng Edsa-Ortigas

Walang namang naiulat na sugatan sa naturang insidente.

Sa ngayon, bukas na mula sa mga motorista ang naturang kalsada matapos maialis ng mga tauhan ng MMDA at MERALCO ang tumumbang poste.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *