Police community precinct 6 sa West Crame, giniba

Metro News

PINANGUNAHAN ni PNP Chief General Oscar Albayalde ang paggiba sa police community precint 6 sa bahagi ng Barangay West Crame sa Quezon City.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin sa road obstruction ang mga pangunahing kalsada sa buong Metro Manila.

Kasama naman ni Albayalde sa paggiba ng tanggapan ng pulisya si NCRPO Regional Director Police Major General Guillermo Lorenzo Eleazar at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Samantala, maliban sa community precinct ay kasama ring giniba ang Barangay DRRMC at tanod outpost ng naturang barangay na dekada na umanong nakatayo sa lugar.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *