Hidilyn Diaz, sasabak sa world championship sa Thailand

Sports

SASABAK muli sa weightlifting world championship ang Filipina Weight Lifting Champion na si Hidilyn Diaz na gaganapin sa Thailand ngayong Setyembre.

Mauuna ang laban ni Diaz sa Thailand bago ito sumalang sa 30th edition ng SEA Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Ayon kay Diaz, excited na siya sa SEA games lalo na’t sa Pilipinas ito gaganapin.

Dagdag pa nito na ito ang unang pagkakataon na siya ay mapapanood ng personal ng kanyang buong pamilya.

Ito rin ang ika-anim na beses na sasali ang Pilipina weight lifting champion sa SEA Games at hindi pa siya nakakakuha ng gold medal mula sa naturang regional event.

Target naman ni Diaz na makuha ang kauna-unahang gold medal darating na sea games.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *