Osama Bin Laden

Estados Unidos, naniniwalang patay na ang anak ni Osama Bin Laden

International News

HINDI naman nagbigay ng karagdagan pang impormasyon ang US intelligence ukol sa pagkamatay Uamno Ni Hamza, anak ng yumaong Al Qaeda leader na si Osama Bin Laden.

Wala namang naging pahayag ang White House sa ulat na ito.

Si Hamza ay pinaniniwalaang nasa 30 taong gulang at kasama ng kanyang ama sa Afghanistan bago ang 7/11 attack sa U.S. noong 2001.

Napatay naman ng US Special Forces si Bin Laden sa pakistan matapos i-raid ang compound nito taong 2011.

Matatandaang noong nakaraang Pebrero naglabas ng pahayag ang State Department na nagpapatong ng isang milyong dolyar sa sinoman ang makapagsasabi sa kinaroroonan ni Hamza.

Ayon sa US State Department ay nagbanta si Hamza na gaganti ito sa pagkamatay ng kanyang ama habang hinihimok ang ilang tribo sa Saudi Arabia na makilahok sa Al Qaeda taong 2017.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *